before i consider myself a total inggrata, i have one word to say... guess what.. it starts with the letter S and no, it's not my name. the correct answer
is...*dundun*
SALAMAT. SALAMAT in all caps. maraming maraming salamat.
salamat to the following:
Lord, for everything. for the blessings and the blessings i don't consider blessings but are blessings just the same. Lord, the best ka. minsan di ko maintindihan takbo ng buhay ko pero alam ko po, anu't ano pa man, magiging maganda ending ng kahit anong sinulat mo. :')
my family, para sa walang hanggang pasensya at pagmamahal. never kayong nagkulang sa suporta, sa hugs at sa pera. joke. nagkukulang sa pera pero hindi sa
LOVE. kung yun din lang ang sukatan ng kayamanan, pati si bill gates mapaglalampaso natin. kaso hindi, pero ok lang. aanhin ko ang milyon. di ko naman
madadala sa langit? at least tayo, sama-sama dun diba? :)
direk auraeus, salamat po sa tiwala nyo. i know i screwed up somewhere along the film but still, salamat po for bearing with me. salamat sa mga
nakakaencourage na speech. namomotivate po talaga kaming lahat. ang dating sa kin dati ni direk, parang.. *dundun* the legend of mam aguila's ever favorite
student-turned-internationally acclaimed filmmaker. something like that. yung tipong ginagawan ko ng reflection paper para sa pinoy tapos nababasa ko yung
name sa internet at dyaryo. tapos isang araw, me nagtext sa kin na pumunta to this place and that place turned out to be direk's house and the next thing i
know, *poof* i was taking part in the making of a brilliant work of art. :) direk, you're such a henyo. di ako nagtataka kung bat peyborit na peyborit ka ni
mam aguila.
sir henry grageda, i have a confession to make.. nagcrayola ako nung unang beses ko nabasa yung script. felt na felt ko. parang naput into words ang kabuuan
ng pisay spirit. nakakahiya mang aminin pero ganun kami kanerdy. for goodness.. we're even a hundredfold worse. nyak. >< salamat po for helping me
internalize my role. salamat din po for your intarmed advice. salamat po sa mahiwagang ballpen! camon.. i've been using it in all my tests. himalang di ako
bumabagsak. hehe. salamat po for writing a beautiful screenplay for the film. wag po kayong mag-alala, binigyan po nya ng hustisya ang alma mater natin.
benta po yung jokes nyo, in fairness. :) saka waw sir henry, STUDENT REGENT + USC chair + LFS [plus plus]. super po kayo! di ko kinaya ang powers nyo..
direk charlie <3, my peyborit cinematographer! kahit madalas nyo po akong awayin at asarin, marami pong salamat. tenchu sa cadbury na binili nyo pa po talaga
as peace offering. hehe. kahit parati nyo po akong inaasar ke jonathan at elijah at parati nyong pinupuna ang pimples ko, miss ko na po kayo. *huhu* naks. me
ganun? hehe. you're the best sir charlie. we lab shoo all.
sir paul morales, naaalala ko pa rin po yung sinabi nyo na ke liway po kayo pinaka-nakakarelate. salamat po sa mga kinwento nyo po about what martial law was
like. parang nabuhay na rin po ako noon. salamat po sa inyong encouraging words, sa inyong bonding bonding with us. tenchu po.
kuya nestor, kuyaaa nestor, kunwari crush kita. hehe. salamat sa super duper hardwork mo. salamat sa workshop, lalong lalo na sa paglibre sa ken ng
watchamacallthat crap/food na super mahal pero pang-aso naman. sorry kuya nestor. napagastos ka pa. dibale, crush naman daw kita. :P we would not have nailed
it without your pep talks and coaching. goo'luck sa iyong mga kinakarir 'banda rito, banda don, banda where ever.' ang galing nga ni gina pareno dun sa MMK.
sabi mo nga.. "yowwn.. akteeeeng!" umiyak talaga ako nun... left eye lang.
reyna shandii, mother, di ko napanood ang pilipinas circa 1907. ang chaka. nakakairita. MULAN, this friday, manonood ako. >< para sa iyong dedication at di
matawarang sipag, SALUDO AKO SA BEAUTY MO. maraming akong natutunan sa yo. lahat ng nirecommend mong films, pinanood ko. diyosa kang tunay. ang ganda ng
taste mo sa films. i love em all. sana makanood tayo together ng tanghalang filipino plays [nakakaiyak talaga.. i missed pc1907]. i mishoo na mother shandii!
:*
sir erwin, tenchu po for your text text. sorry po kung minsan tamad akong magreply. salamat po sa yellow cab erbil. woohoo. kitang kita po namin ang inyong
hardwork during the making of the film. salamat po sa pag-abot ng TF. weeeeheeee. super hardworking po kayo. we all saw that. salamat po talaga nang marami.
kuya hai hai, for your di matawarang tiyaga. winner ka talaga kuya hai! salamat nang soOoper sa mga chika-chika nyo. salamat for your text text. patawad po
kung minsan makulit ako. weehee. peace po tayo kuya hai. :)
lola alexa, nasan ka man lola, tenchu po sa inyong retouch-retouch at mga chika-chika. hinding hindi ko malilimutan ang madalas nyong paalala sa kin,
OILINESS IS NEXT TO UGLINESS. inukit ko na sya sa aking puso.
annicka, gammy, carl, elijah, jonathan, alfred, ej, mga erp, miss ko na kayo. masaya akong naging kaibigan ko kayo. salamat sa short bonding bonding moments
at sa tawanan. ang galing-galing nyong lahat. idol kung idol. saludong saludo ako senyo. keep in touch ha. sana magkita-kita pa tayo ulet. :)
my sindikatok family, sang kangkungan ako pupulitin kung di kayo dumating sa buhay ko? worth it ang bawat workshop. kahit pinaiyak ako nang todo ng mga katok
nung batok pa lang ako, hinding hindi ako nagreregret na sumali ako sa sindikatok. you made the best four years of my life all the more worthwhile. mabuhay
ang apoy. live. love. breathe. [waw.. ang tagal ko ring hindi nasulat yang tagline na yan :)]
ate anna and ate marella, tenchu for your companionship. salamat sa sandaling oras na nagkausap tayo. sana magkita pa tayo ulet! ate anna: bonding tayo.
isama naten si shulamith. ate marella: i'll stand by my word, BOOKS BEFORE BOYS. amen. :)
ate jane, ate jen, kuya james, uh.. kuyas and ates, all the people in the house, SALAMAT. ano ang pisay the movie kung wala kayo? nagpay off po ang lahat.
salamat po. :) [to the kuya who told me there's some kapre in pisay, YOU SCARED ME TO DEATH. buti graduate na ko! :o]
art dep, CONGRATS. di ko alam kung ganun nga talaga ang 80's but yeah.. hehe.. you bagged the best production design. i guess that says it all. sulet ang
pagod nyo! i should have made dekwat the polly pocket doll you painted brown to make it look as dark as i am.. haha. :p dibale, i have one of those ngipin ng
buwaya necklace prototypes [RYAN, IBALIK MO NA!!!]
pisay foundation, SAVIOR. you saved the day! we love our foundation. GO GO GO PSHS FOUNDATION. mabuhay ang ballers, mugs, shirts, souvenir programmes!
mabuhay kayo! we love you po. pisay the movie owes much of its success to you. :)
mga naging batchmate ko sa movie, I MISSHOOOOO. natutuwa ako na kahit hindi tayo batchmates, yung iba ni hindi ko schoolmates, nafeel kong iisang batch tayo.
salamat sa pagtitiyaga nyo. pinatunayan nyong PATIENCE really is a virtue. ang galing nyong mag-imbento ng bagong mechanics ng uno. my golay.. you guys are
geniuses. hehe. it was a summer well-spent. salamat mga erp. i hope you enjoyed as much as i did. :)
syempre, SA MGA BATCHMATE KO, BATCH 2007, mehn... how could i ever thank you enough? nakakaoverwhelm ang suporta nyo! sobrang salamat talaga sa pagclap nyo tuwing lumalabas grad pic ko sa credits. salamat para dun. hehe. :p hehe.. deh.. seryoso, salamat talaga. sa lahat lahat na. salamat talaga. sobrang salamat. salamat. sorry kung puro salamat lang nasusulat ko. but really, i couldn't think of words that could express how thankful i am. basta, SALAMAT. yun na yun. TO OUR TEACHERS, salamat po sa tiwala nyo sa kakayahan namin. salamat po sa encouragement nyo. you made us who we are. behind brilliant students are equally brilliant and dedicated teachers. ang pisay the movie po ay isang pagpugay sa mga pinuhunan nyo. salamat po. hinding hindi ko malilimutan na sa bawat classroom ng pisay ay may paalalang BAYAN MUNA. inukit nyo po yun sa puso ko. salamat po.
sa mga nanood po ng pisay, salamat po! sana po nagustuhan nyo. :) i wasn't able to watch other cinemalaya entries. i have zero idea how the other films fared. di ko alam kung anong meron sa kanila [but i've been reading good reviews about all the cinemalaya entries. yey.]. ang alam ko lang, puso ang puhunan ng PISAY the movie. di ko sya sinasabi dahil andun ako sa movie and all that jazz.. sinasabi ko to bilang alumna ng pisay. damang dama ko yung movie. tagos to the DNA. in two hours, napakita nya yung saya at hirap ng pagiging iskolar. how we occasionally collide with each other's trajectories; how remain winners despite all odds; how we sometimes feel consumed by the pressures of this world; how we discover what we're called for. syaks. di ko talaga maexpress fully [plus my laptop's about to die any minute and my adaptor's with my dormmate so i better finish this fast.]. well yes.. i've said enough. SALAMAT talaga. that's all for today.
AGAIN, LORD, salamat po for giving me the opportunity to meet these people. salamat po for bringing pisay into my life. :)