
for the first time, natuwa ako dahil brownout. :)
dahil sa brownout, direcho kaming mall. wooohoo. buong araw kaming nasa
mall of asia. kumain at nagshop lang kami dun. yeeeh. talk about
GASTOS. e ganun e.. kasi mainit.
sa isang buong araw na pagstay namin sa MoA, isang doll lang nabili ko. yeppp.. tumambay kasi kami ng utol ko sa toy kingdom. pagkatapos ko bilhan yung inaanak ko ng gift, naghanap ako ng something for myself. yaaak. parang bata. natuwa ako dun sa rag doll na mahabaaaaaaaa yung legs, na me velcro sa hands, na pwedeng itwist-twist. kaya binili ko si
CHEEKY. kami ni vince nagpangalan sa kanya. heehee. :)
nung nakita ko si cheeky kahit di naman kamuka ni cheeky ung dolls sa movie, naalala ko yung isang scene sa
eternal sunshine of the spotless mind.. nasa ilalim ng kumot sina clementine at joel. sabi ni clem ke joel na me doll daw sya dati. parati nyang sinasampal at sinisigawan ng,
"BE BEAUTIFUL!" kasi feeling nya, di raw sya maganda. kate winslet, panget? sapakin ko kaya sya.. pero yun, nalungkot talaga ako kasi andami kong naalala from my childhood. di naman ako nananapak ng doll pero me mga times kasi na iniiwan ako ng mga tao sa bahay tas dolls lang kasama ko. :( yuck. anong drama to? --- tas dahil madalas akong sabihang pangit ng titas ko, minsan naiinggit ako sa dolls kasi sila pretty. kahit sinasabi ko na freaky ung isang housemate sa big brother house dahil kinakausap nya ung doll nya.. sa totoo lang, naiintindihan ko sya. haha. x)