madaldal ako. gusto kong magkwento. di bale nang walang magbasa basta makapagkwento lang.
and limme start off with one event that did quench my thirst.. :)
nagulat ako sa mga narinig ko nung praisefest evaluation. hindi ako aware dun sa mga naging problema onstage. oh well, siguro kasi andun lang ako sa registration table the whole time kaya di ko masyadong nakikita yung slip-ups na sinasabi nina henson OR baka naman, ganun ka-petty yung mga yun kaya yung mga onstage lang yung nakakaramdam na me mali. hindi ako makahirit kanina kasi ansarap nung manok [courtesy of gorgeousss mam gene.. :9 onga noh.. di ako nagtenkyu] pero seryoso, from behind, seeing the whole picture, di mo mapapansin yung mga sinasabi nilang dead air in between songs or yung distracting gestures.
the best yung pwesto ko sa me reg table. di ka nakikita ng lahat ng tao pero you get a preeeetty good view of everyone. sulet talaga. and there is none but one word that could best describe the view from behind:
AMAZING-- ALL CAPS, IN MARQUEE, BOLD, ITALICIZED, UNDERLINED, EMBOSSED, NEON, FONT SIZE 200 and IN HOTTEST PINK. mejo katabi ko si mam pax kaya di ako nagtaka na naiyak sya nung nakita nya yung scenario. nakakabless talaga e. sobraaaaa. for the first time ever in my life, umiyak ako sa kantang trading. kumusta naman yun? kahit ganun sya ka-upbeat, di ko napigilang magkrayola. voowahaha!!! di ko alam pero masakit talaga yung panga ko nung praisefest kaya di ako makakanta pero deep inside, nagsusumigaw ng praise and worship songs yung puso ko. nakakaiyak yung nakakaoverwhelm na presence ni God. nakakaiyak na makita ang schoolmates mo na tumatalon, sumasayaw, sumisigaw at kumakanta para sa Panginoon. nakakaiyak nung nagshare sa kin si ate jana na nung high school sya, pinagdadasal nya na sana magkaron ng ganung klaseng event sa pisay and to actually witness the exact scene you've prayed for is just *WOW..* what an unparalleled joy. ano pa kaya dun sa mga nakawitness nung event from its preparation? :)
bukod sa patalo kong panga, di ako makakanta dahil na rin sa mga late na pumapasok at maagang umuuwi. pero ok lang. labor of love ko yun for God. di naman por que di ka kumakanta e hindi ka na nagwoworship db? saka natutuwa ako. kahit mejo nakakapreoccupy yung trabaho sa registration table, sulet pa rin. God finds a way to speak to me even in doing that. nakikita ko kasi na ibang iba yung mga tao nung pumasok sila at nung palabas. nakakatuwa na kahit pag labas nila, kinakanta pa rin nila yung worship songs saka damang dama mo na me iba na sa kanila. *wooooh, THANK YOU TALAGA LORD* saka me isheshare ako... me friend kasi ako na umattend ng praisefest. nakakagulat na nga na umattend sya. pero mas nakakagulat pa na paglabas nya, kinakanta nya yung now that you're near. months ago, nung nagkkwentuhan kami, favorite nya ung three libras ng a perfect circle. sabi nya addressed daw yung song ke God. sabi nung song, "down in Your recollection, drowned among a million same... difficult not to feel just a little bit disappointed and passed over.. You don't see me.." --exactly how God
makes made him feel DAW. odiba? sanlibong dipang layo sa isang kanta na nagsasabing ibang tao na siya now that He's near. :)
nyahaha.. love it talaga. nakakabless. nakakaquench talaga ng thirst. sya yung tipo ng uhaw na masarap mafeel. kahit nakainom ka na, hahanap-hanapin mo pa rin. odiba? san ka pa makakaexperience ng ganun? ONE WAY: ke JESUS lang. :) *love YOU LORD. LOVE YOU. LOVE YOU. <3*
"You make me lie down in green pastures. You make me wanting for
nothing MORE. You make me worship before You so i can love and adore You." :)
***
naiiyak na ako. nagchichismisan kami ngayon ni zelle at nabanggit nya si PAOLO SALVADOR. gash. me brain tumor sya with the size of a golf ball! ayoko na. pramis. nagaalala na ako. di ako makapaniwala na yung buddy ko nung grade 6, confined ngayon sa hospital, waiting in line for his second operation. :( ang jolly pa naman nya na tao. masayang kasama. never a dull moment with paolo salvador. pagdasal nyo sya ha.. sana makabisita ako ke paolo. :(
***
on the lighter note, me nakasabay akong BRUHA kanina pauwi. how malas. :p pangalan nya joji. at excited na akong bawiin lahat ng bonding sessions namin na nawala dahil sa walang hiyang resolution na kelangan naming magspend ng less time with each other... yaknow.. para di cramped ang mundo sa ming dalawa lang at para na rin maging best friendship factories in this galaxy. buti na lang ililibre nya ako ng accommodation sa manila hotel. at syempre, ililibre rin nya ako ng paborito kong pesto pasta sa the old spaghetti house. bibilhan din nya ako ng PINK and black parallel bible. saka magpapadala sya ng maraming pasalubong, tsokolate at higanteng teddy bears from singapore. bukod dun, reregaluhan nya rin ako ng hamster na papangalanan kong strut. maraming salamat talaga sa hitchhiking bruha na yun. alam kong di nya ko bibiguin. mahal na mahal ko sya. at kung gusto rin pala nya- pde rin nya akong bilhan ng revolve [ung bible na mukang mag] or chronicles of narnia. i'd love her even more. :)
***
nyak. aalis na si ate inday. for good. kakikiss ko lang sa kanya. wah. how sad naman. mamimiss ko sya. wala na ang pinakamagaling na tagamasahe sa buong antipolo000.
***
graciousnessss. ang hirap gampanan ni liway. naman. this is too much for a first movie. argh.
***
crappppp. gutom na pala ako. akala ko sadyang nag-uundulate lang yung sentences na tinatype ko. xp