shocking ba na walang kaarte-arte at ni walang kulay ang blog ni shayne? oh well.. e ganun e. hindi ko rin alam kung anong nakain ko't bigla kong naisip na ganito pala ung layout na gusto ko.
TRIVIA: according to my mudra, psalm 8 ang very first memory CHAPTER ko. akalain mo un.. nung prep daw ako, super show off ako kaya tuwing me bisita, staple performance ko ang pagrecite ng psalm8! so shempre, tuwang tuwa naman ung mga kabarkadang pastor ng tatay ko kaya dinala ako sa church nila tas dun ako nagpa-star. haha. :)
me mga lessons na tinuturo sa ken si God na hindi ko talaga naiintindihan at first. parang memorized passage lang ng Bible na hindi nagmemake sense gaya ng psalm 8 na tinutula-tula ko lang dati. kulang na lang gamitin ko sya sa talent portion ng mga little miss whatever contests na sinasalihan ko tuwing fiesta. pero ngayon, nung binasa ko sya ulet nung camp, grabe.. hindi ko alam kung iiyak ba ako or ngingiti 0r magpapahulog sa laguna lake [intermission: laguna means "lake".. ano un?
lake lake? watda?! whatever..]. sino nga naman ba ako? kung bibilangin mo lahat ng kasablayan sa buhay ko, baka umagahin ka. o baka di ka pa nga ata masikatan ng araw. buti na lang, hindi ugali ni God na magbilang ng mga kapalpakan ko.. pero diba, despite the flawed being that i am, a notch above the angels pa ren ako. akalain mo un..
*sigh* iba talaga magturo si Tatay. minsan, iniisip ko na di ko naman talaga kelangan ung ibang mga lessons Nya kasi di naman ako dumadaan sa ganun pero yun pala, *pooof* KOKO KRUNCH! in my face! hello. good morning. akala mo lang un girl! di ko alam yun pala ung mga kakapitan ko at this very moment in time. kaya Lord, sige, hands up! Kayo na pong bahala.. hindi na ako magtatanong. isurprise Mo na lang ako.. :)
late na ba masyado for a camp reflection entry? di pa naman siguro.
sorry naman kung tamad ang lola nyo. tinatamad akong magsulat ng detailed account ng bawat araw ng camp. punta na lang kayo sa blogs ng iba. mas masipag sila e. *nyahahaha*
sa totoo lang, di ko alam kung magsusulat pa ako ng entry about it. di ko rin naman masusulat LAHAT at kung magsusulat na rin lang ako, i might as well write everything pero meeeeeeen, di ko kaya! subra-subra kasi si Lord e. parang kahit anong gawin ko, di ko maexpress kung gano ako nattouch sa mga pinaggagagawa Nya sa buhay ko. alam mo yun.. once in a while, issorpresa ka nya tas wala ka nang ibang masabi kundi.. "HOOOOOHOOOOO! SUBRASUBRA ka talaga Tatay!" *sigh*
alam naman ni Lord kung anu-ano ung struggles ko. alam din Nya yung tungkol sa nawawala kong wallet pero nanay ko, di pa ren nya alam.[aygrabe.. pano ko kaya sasabihin un sa kanya na hindi sya magwawarla? @_@] kaya nagpapasalamat ako ke God na binigay Nya sa ken ung camp. akalain mo un.. first and last acts camp ko na pala toh.. sakto pa kung kelan kelangang kelangan ko ng break from all the bustle and emo chapters in my life. ang dami kong narealize.. grabe. seryoso, pag praise and worship, di ko maintindihan kung naiiyak ba ako or nangingiti. muka naman akong timang kung pagsasabayin ko ung dalawa diba? pero sa bagay, ano naman kung magmuka akong timang? bigla ko tuloy naalala ung
I Can Only Imagine..surrounded by Your glory, what will my heart feel?will i dance for You, Jesus, or in awe of You be still?will i stand in Your presence or to my knees will i fall?will i sing hallelujah or will i be able to speak at all?ni hindi ko nga rin ma-imagine e.
hay Lord.. grabe ka talaga.