HAPPY BIRTHDAY YAEL. TANDA MO NA! :)
as you've noticed, i no longer post long entries. the primary reason is.. I'M A STAR. stars don't find the time to do so.
hecky hectic.
wala. nagpapakaBUSY lang ako. un lang.
***
i don't want to write about school. please don't force me to write about school. i'll be writing about it all year long so don't make me write about it now. all i can say about school is.. I'M SCARED. the way the teachers presented their subjects made me want to puke and scream and puke and scream and puke all over again.
and gluon.. hmm.. wala. next month na lang. :)
***
the_bouncer07 (6/7/2006 10:10:16 PM): pinapansin mo ba yun mga chain msgs about god?
shayne (6/7/2006 10:10:20 PM): hindi
shayne (6/7/2006 10:10:47 PM): ikaw ba?
the_bouncer07 (6/7/2006 10:12:10 PM): hindi din eh..
the_bouncer07 (6/7/2006 10:12:25 PM): lalo na yung mga do this and something good will happen [tama si kuya pito.. nakakairita nga mga ganun]
haller. nothing against these messages. mas ok nga sila kesa sa mga black mails and angsty mura-infested messages. wala akong pake kahit sendan mo pa ko ng ilang libong ganyan basta ba pinaninindigan mo sinasabi mo. kung ginagawa mo lang un for a
religious kuno image or para makuha ung blessings na pinapramis ng message, ewan ko na lang sa yo. saka hey, don't you forget that it's a sin to use the name of our Lord in vain [exodus 20:7]. NGAYON, bago mo ipasa yang "hey, camon. stand up for Jesus.. pass this and y0u will receive something good tomorrow, 5:04 in the afternoon beside the sari-sari store of your lola.." [wooshoo.. boy bawang lang yan..]alalahanin mo na kahit isend mo pa yan sa buong mundo, it will never prove your faith. bakit, internet Christian ka lang ba? saka sana, pagkatapos mong mag-copy-paste, magbuklat ka naman ng Bible. alam kong masayang magbasa ng blog lalo na ung blog ni shayne, pero haller dude? mas masayang magbasa ng love letters ni God saka sino ba naman yang kachat mo kung icocompare sa gumawa at nagligtas sa yo? kaya wag kang mag-alala kung wala kang load pangpasa ng godly messages, mas matutuwa si God kung di mo idadaan sa text or sa IM ang good news Nya. :) [thinking out loud lang. you're free to disagree.. :)]
***
PISAY DAW. glad that my adrenaline rush comes just when i need it. di ako kinabahan before nung play. my bloodstreams got flooded with pure adrenaline so the more i hear the audience laughing at our hirits, the more i.. hmmm.. PERSPIRE. init sa audi e [talk about being the putok.. lolz]. ayos naman ung feedback ng freshies [i think so]. but i do hope di lang sila natawa. sana ginusto rin nilang magpatawa at maging part ng maSKara.
***
He looked across the sea and knew how alone he was now. But he could see prisms in the deep dark water.. and the strange undulation of the calm.. and he looked ahead and saw a flight of wild ducks etching themselves against the sky over the water.. and he knew no man was ever alone on the sea.read
the old man and the sea for the third time. the first time i did was for a lame book report when i was in elem. didn't love it then. it bored me to death! pake ko ba naman kasi sa matandang nakahuli ng malaking isda diba? wala man lang chapters. wala ring pictures. di pa fairy tale at higit sa lahat, di ko sya ganong naintindihan. inexpect pa naman ng teacher na maappreciate namin ung story. hello sir? para na rin nyang inexpect na magmura si dora the explorer.
nung pangalawang beses, wala lang akong magawa kaya binasa ko sya. saka lang ako nagandahan. malalim na story. kaya pala sya nanalo ng nobel prize for literature.
and this time around, binasa ko sya dahil wala ulet akong magawa. and guess what.. NAPAIYAK NYA AKO. the hair?? tatlong books pa lang nakakapagpaiyak sa kin-- this one, anne frank's diary and the little prince. naimagine ko ung old man tas naiyak na lang ako. labo ko noh? feeling ko kc naalala ko si lolo. sya ung farmer version nung old fisherman. harhar.
it's a nice classic. the more you read it, the more you feel for the old man and the more you thank God for the sea and all the wonderful things He put in it.
***
nanood ako ng
Maynila episode kanina, starring jackie rice and marky cielo! huwaw. ang cheesy, sobra. pero natatawa kasi ako e saka kapangalan ko ung bida, SHAYNE. shayne. shayne. shayne...
..shayne. di ako naaadik sa name ko.. nawiweirduhan nga ako e. [commercial:: while writing this entry, nagbabantay din ako ng sari2 store. tas nung me nakita akong bibili, bigla akong tumili. di rin ako timanggerzie noh? WEIRDLY, natakot ako sa customer na normal naman. nakakagulat lang kasi na biglang me nakadungaw sa labas ng bahay mo. kumusta naman un di ba? ok, kunwari walang nangyari...] di nyo ba ever nafeel na kakaiba pakinggan pangalan nyo? sige.. try mong ulit-uliting sabihin ung name mo. it gets weirder and weirder. kakaiba.. feeling ko tuloy ang bizarre ng pangalan na tinatawag sa kin all my life.
***
will have to finish cecile's layout. glad to write this long again.
so long sweet summer! sweet ka nga, bitin ka naman. see you next year. thanks for the good tan and happy memories you gave me. you'll always be my favorite time of the year. :)
LOVE,
SHAYNE [doesn't it sound weird?]