
Once upon a recess break, bored to death ako until I saw this girl and she was flipping her skirt up and down. Inisip ko, "Timang din toh a!" Tapos, pinagtawanan ko sya. To think na di ko naman sya kilala. She went up to me and said: "Anong problem mo?" Before I knew it, nagsasapakan na pala kami [lolz]. That's how crizelle and I started as friends.
Hindi sya ung girl na mahilig magbalandra ng panty. Ni hindi ko nga nakilala un e at lalong hindi nya ako inatake [gawa-gawa ko lang yun]. Eto talaga ung totoo.. Edi.. tinawanan ko nga ung girl. Tapos, ung katabi ko that time, tumawa rin sya. Ayun.. un na si crizelle. From then on, kahit ano pinagtatawanan namin. Wait.. parang me mali. Hindi ata un ung first time na me pinagtawanan kami nang sabay. Mas nauna pala ata naming pinagtripan ung bakla sa class naming kasi bakla sya. Well anyway.. the point is, naging best friends kami nung elem. Mega-katelebabad ko toh e. world record. Me time nga ata na naka-seven hours kami. Ano ha, kaya nyo yun? Dumagdag pa ung internet. Olrayt. Katelebabad na nga, kachatbabad pa.
Kilalang kilala na nga ng bahay namin ung boses nya e. Madalas akong pagalitan kasi wala na lang daw akong ginawa maliban sa magbabad sa telepono with crizelle.

[anniv letters sakin ni zelle. ung isa pa nga jan, kinopya nya ung dedix ko dun sa previous letter ko sa kanya. lolz.]
*phone ringing*
Ate Nene: Hay naku.. si crizelle na naman yan. [picks up phone] Hello?
Crizelle: Hello?
Ate Nene: sinasabi ko na nga ba. Hoy, Shayne!!! Si crizelle tumawag. Orasan mo yang paggamit mo ha. Wag puro daldal sa telepono.. [chooochooo]
Shayne: ok.. [sa receiver] KJ talaga ng mga tao sa bahay. Anyway, alam mo ba.. si Dual [codename yan. mahilig na talaga ako sa codenames ever since], ganyanganyan.
Crizelle: ay oo.. tapos, ganyanganyan.
Shayne: ay lalalala.
Crizelle: hahaha.
Ate Nene; hoy, bruha, dalawang oras na yan a.
Shayne: [to ate nene] 5 minutes pa..
Crizelle: wooshoo, ganyan. oo. ok. Blahblah. [after 30 minutes]
Shayne: o sige, babay na.
Crizelle: sige, I love you. Bye.
*after 4 hours*
Mama: bakit kanina tawag ako nang tawag parating busy?
Ate Nene: e si Shayne po kasi e. sila ni crizelle, hindi na nagsawa sa isa't isa. Nagkikita na nga sa school, pagdating sa bahay, telebabad. Wala namang kwenta ung mga pinag-uusapan.
Shayne: meron kaya!
Ate Nene: o talaga? Sige nga.. anong kwenta ng cardcaptor sakura? Puro naman cartoons pinag-uusapan nyo e!
*Shayne: tawa-tawa-tawa. Tapos, tatawag ako ulit ke crizelle para sabihin na pinagalitan ako.*
Until now, katelebabad ko pa rin sya. Di man kasing tagal nang dati, nakakatuwang isipin na kahit hindi na kami magkaschool, di pa rin kami nagsasawa sa isa't isa. :) [Ei zelle, alam kong nasa bataan ka at di mo toh mababasa pero since di ka naman forever jan sa bataan, eto.. isang zelle special sa blog ko. Happy hippy birthday. salamat for the wonderful friendship we shared since that very memorable recess. Will always love you.. your ever-loving bratinella, shaYne]