There are many ways in which God works in our lives, but it is the same God who
does the work in and through all of us who are His.Y
--1 Corinthians 12:6
tenkyu DA for the picture and mr. samuel stennett for the lyrics :)
Monday, April 03, 2006
Anak ng baklang lechugas.. friends, di ba kayo naiinitan??
Mas napagod pa ko sa biyahe kesa dun sa mismong stay ko sa puerto galera nung weekend. Para kang sumakay sa EK ride na ten times worse. On the other hand, fun naman ung puerto galera. Di nga lang ako nakapagbeach-hop as planned kasi kulang sa time. Kelangan nang bumalik by Sunday kc me office pa si mama pagdating ng Monday.
Mejo badtrip ako nung una kc di ko narealize agad na ma-oOP ako. Ung mga kasama ko kc are like.. 6-8, 25-30 and 40-50.. wala akong ka-age bracket! Tapos pagdating pa namin sa pto galera, hilong hilo ako from the trip. Di pa nakahanap agad ng cottage kc di kami nakapagpareserve. So nung nakahanap na kami, tulog agad! Feeling ko nga di na ko magigising kaya parang pumunta lang akong mindoro para matulog. Kaso, ngangertz naman ako kung di ko ieenjoy ung stay, nothing ruins an experience like a bad attitude pa naman so naghanap ako ng pdeng gawin.
Nagpatirintas ako ng hair, as in ung parang iverson braids. Forgot what u call it.. somethingsomething-cornroWS hair. basta. Ganun. nagmuka tuloy akong rapper na NBA player na di mo maintindihan. Ang pretty pretty kaya! para akong timang. Nung nakita ako nina kuya james at kuya jv, tawa sila nang tawa. Walang hiya.. pinagtawanan ang hair ko. samantalang sina ate shy at ate dessa at ate tina were like, "Hey. Ang cute. Magkano?" In fairness, masakit sya sa anit. Harhar.
After nun, nagswim na ko. sabi kc nung tirintas girl, mas humihigpit pag nababasa. Sumakay kami dun sa banana boat. Ang fun. Hinihila sya nung speed boat, e minsan nagiging over-speeding boat sya kaya nagiging banana split kami. Tumilapon kami twice. Si tita pilar, afraid sya sa water so tuwing nahuhulog ung banana boat, di sya bumibitaw. Tuloy, ang layo ng pinapadpad nya. Scary. kc nung una, di namin sya makita pero after nung ride, pinagtatawanan na lang namin.
Swimming. Swimming. Shopping. Barhopping. Di ako nakabili ng pasalubong for my friends kc super limited ang budget na binigay ni mama. Tapos naalala ko na nagshopping nga pala sya nung isang araw so malamang konti lang ibibigay nya sa kin. Oh well, at least, nakapag-barhop. Dun sa tatlong bars, me mga sumasayaw na bakla. F na F nga nila e. pinakamagaling ung dalawang gays dun sa iforgotthename bar. Naglalambitin pa sila and everything. Ang energetic nila unlike dun sa other two, ang hinhin nung mga bakla, ang revealing pa ng mga suot. Migosh. Over ang pagpapagirl.. mga itsura nila ha.
The next day, tamad na tamad na akong magswim. Snorkeling na lang daw. Pero ayoko na talagang mabasa, feeling ko pa wala nang pera ang nanay ko so wag na lang. Sumama na lang ako dun sa boat kc makikita mo rin naman ung corals from there. Si ate dessa rin, ayaw na ring magsnorkel so me makakasama ako sa boat. Pagdating namin dun sa snorkeling area, sobrang na-amaze ako dun sa mga nakita ko. makikita mo talaga ung coral reefs kahit di ka nasa water. Nag-snorkel silang lahat, pati si ate dessa kc naengganyo sya nung sight. Ako rin kaya, sobrang nagandahan kaya lang wala akong perang dala. Gosh. Sayang naman toh. So nagstay ako dun sa boat, nagbabantay ng cameras at cellphones while inggit na inggit. Pramis, next yr, kahit limang oras pa kong mag-snorkel, makita ko lang ung underwater garden. Pagdating nila, they were like, "Ang cute magpakain ng fishes!" "Nakita mo ba ung mukang snake?" "Eel un, dongdong! E ung parang blue na gumagalaw?" "ayyy.. ang cute nun!" choochoochoo. And I was like, "Oo nga, ang cute nung bangkero. Muka syang fish. Nakakarelate ako. woohoo."
Tapos sinabi ko sa nanay ko na sayang di ako nakapag-snorkel, gusto ko sana. Sabi naman nya, "e bat di ka nagsnorkel?" wala akong pera. "sa cottage naman ung bayaran." OMG. To think na muntik na kong mamatay sa inggit tapos pdeng pde pala akong mag-snorkel. Harhar. Anyway, sige ok lang.. sabi naman nya babalik daw kami sa pto galera nxt yr or some other place na me beach so eon.. I will have to wait til then.
Anak ng tilapiang kalbo. Ngayon nga pala ung deadline ng prereg sa camp. Pano ko isusubmit?? Oh no. baka di ako makapagcamp. Wag naman. Iyakan na toh, last na nga, di ko pa mapupuntahan. I look forward to it pa naman every year tapos, di ako makakapunta, di ako papayag. Anak naman kasi ng.. ano kaya?.. chukaretang bruha. Aun.! Chukaretang bruJa talaga.
Kulot ako ngayon. Pinagtatawanan nga ako ni tita bing. Muka raw akong ita. Negneg ba naman [kc galing sa beach][saka anak naman talaga ako ng kanegnegan ever since] tapos tinanggal ko pa ung braids [ang bigat na ng feeling ng hair e].. tada!.. instant kirara na ko. pero in fairness, bagay naman daw ung kulot sa kin e. saka plan talaga namin ni joji na magpakulot for fun this summer kaya lang ayaw ng ina ko.
dahil inatake na naman ako ng vanity. Ayan.. evolution ng hair ko..