There are many ways in which God works in our lives, but it is the same God who
does the work in and through all of us who are His.Y
--1 Corinthians 12:6
tenkyu DA for the picture and mr. samuel stennett for the lyrics :)
Saturday, March 11, 2006
Shayne, i'm so happy.
Last night, nasa bahay kami ni nico to celebrate his birthday. Sobrang enjoy. Firstly, dahil alam kong masaya si beste. Alam mo yun.. syempre d b.. more than anyone, sya ung dapat maging masaya. That's what I really wanted to hear from him. Di lang nya alam pero sobrang sumaya rin ako nung narinig ko yun. marami pa kong gustong sabihin kaso, between the two of us lang un ni nico. shayne, shut up na.
Kumain. Before naming pumunta sa dorm nina nico, andun kamit sa gateway. Naglunch kami ni joji dun sa oody's kc sabi ni kuya pito ke joji, favorite daw nya un. Saka nung nakita kong thai food ung sineserve dun, tnry namin ni joji kasi wala akong idea kung anong meron sa thai food. Bakit ko sinasabi toh? Kasi nagsisi ako. sana KFC na lang or something else. Naweirduhan kasi ako e. from the soup to the really weird pansitlike food. Ngarx. Pati nga ung pandan juice di ko type. [yuck.. naninira.] just a while ago, like 15 minutes ago, kachat ko si kuya pito. sabi ko na di masarap sa oody's. and he was like.."anong oody's? favorite ko un?" tapos un pala, hindi oody's ung sinabi ni kuya pito ke joji. it was BODHI. oh well.. at least alam ko nang ayoko sa thai food.
Nagpapicture. Sa wakas me studio pic na rin akong bago. Ito nga ata ung pinakauna kong studio pic with my pisay friends.. ang bangag! Langhiya. F na F namin ung studio. Isa to sa mga mamimiss ko.. sana ganito na lang each and every time. Kaso hindi e.. me mga sarisarili kaming buhay at sa mga sarisariling buhay namin, hindi namin kasama ang isa't isa. Saka ayos na ring hindi toh nangyayari very often kasi meron akong nalulook forward to. [whew.. drama]
Nag-arcade. Nung una, F na F kong di ako mag-eenjoy. Nag-aarcade kami dati ni vince pero hindi TALAGA ako nag-eenjoy. Amazingly, sobrang nag-enjoy ako [game: bilangin ang word na 'enjoy' sa previous sentences]. Nung nasa space hockey kami ni joji, merong lalaking tumabi sa kin tapos, nilagay nya ung kamay nya sa shoulder ko. at malamang, i was like, "huh? me gustong makipagsapakan sa kin?" sabi nung guy, "ang galing ni langga." lannga?? who the hair? me, langga? tiningnan ko sya. TITO MON?? tito ko pala. kapilingan ko talaga. haha..*tnry namin ni joji ung dance rev. OMG. TDF. FYI. we suck big time. haha.
Tumambay. Nung andun naman ako sa fully booked, winiwish ko na marami akong pera para makabili ako ng books. Andami kcng interesting stuff dun e.. like ung diary na tinadtad ng mga paris hilton pix. Bwahaha. Itsura nya ha.. pero in fairness, nakakaenchant ung ganda nya.
*note: spoiler ahead..*
HOUSE OF WAX. Unang movie na pinanood namin sa dorm nina nico. Ang galing ng pagkakadirect. Paris was there. And she died. Natatawa nga ako e kc parang hindi ko ma-imagine kung anong ginawa nila para mapagawa un ke paris. Funny nga e kc ang lamya nyang kumilos. Parang hindi ko nafeel na ayaw nyang mamatay at mabuhusan ng sandamamakmak na wax. nakakatawa na ung heiress na tinitingnan-tingnan namin ni joji dun sa fully booked e napilit gumawa ng something like what i saw in the movie. but besides that, ugh. freaky! imagine this: gugupitin ung ankle mo. kakaladkarin ka. gugupitin na rin ung damit mo. me iinject sa yo para maparalyze ka. sana anesthesia na rin kasi in the next couple of minutes, bubuksan ung chest mo for no apparent reason. tatahiin ka. pati na ung bibig mo. nagpawax ka na ng legs? ganun gagawin sa yo.. sa mukha nga lang. tapos ilalagay ka sa apparatus na magbubuhos sa yo ng wax all over maliban sa mga mata mo. *charan* isa ka nang instant wax statue with moving eyes. nota bene: walang anesthesia. buhay na buhay ka pa. FREKI! sa bagay, un naman ung gusto nung director na sabihin ko. so i say it again, KUNG TRIP MONG SUMIGAW-SIGAW AT MAGPAKALOKA.. wala lang.
Nagvideoke. right after dinner, nagwala kami sa top floor ng dorm nina nico. ito na ang ultimate F na F. since mataas ang talent fee ko, di ako kumanta nung una. umakyat kami dun sa pinakataas ng bahay. kami nina charmy&joji [game ulet: pag nahulaan mo kung anong common sa ming tatlo, mananalo ka ng iPod. txt ur answer to240 for globe, smart, tnt & adiks]. ang sarap nila kasama. andami naming napag-usapan. naalala ko tuloy ung days na magkasama kami nung mga pinsan ko. masarap malaman na napapasaya ka ng isang experience sa dalawang occasions: nung moment na naffeel mo un at ung moment na kinukwento mo sya sa mga taong nagpapaganda ng buhay mo. kaya, i hate reliving memories because it's a lot better to reminisce.*after a while, kumanta na rin kami at F na F talaga namin. akala ko di ako mag-eenjoy. once more, i proved myself wrong. ang dami palang mga bagay sa mundo na akala ko di masayang gawin pero hindi naman pala. i thank my friends for me making me realize that. GUYS, YOU MAKE ME WANNA BE A POP STAR AND KICK SARAH GERONIMO OFF HER SHOW. i love u all!
Bring it on.. again. 2nd movie. napanood ko na sya before pero trip kong panoorin ulet. moral lessons: don't act as if you're a bomb diggity. the hell.. you're not. are u trying to be ridic? the hell, you're not again. OMG. TDF. FYI. campus DJ's are way below the ladder.*ayan. a whole new dictionary. at kahit nasasamaan ako sa mga pinagsasabi at pinaggagagawa nila, nainspire nya ako. haha. namiss ko tuloy ung cheerleading days namin.
Nagbrown out. so sabi nila... "ghost stories!" joji-charmy-shayne: are you guys trying to be ridic? what the hair? ghost stories suckkk!*di kami ganyan magsalita. nag-iingay lang kami para di namin marinig ung mga kwentong nagsasabing ang school sa santa fe ay dating sementeryo. pati ang school sa hinulugang taktak. lahat na lang e. dumating ata ung point sa history natin na pinautos ng friars na ipaconvert lahat ng sementeryo into schools para me mapag-usapang maganda ang mga estudyanteng nagssleepover.
Natulog. di ako nakaligo. bwahaha.
Naggising. kasi ba naman, pinagtatawanan ako nina joji at charmy. "ang panget ni shayne matulog. hahaha.. ay naggising. hahaha." sige, magandang alternative yan for alarm clock. manlait ng natutulog.
THE NOTEBOOK. walang hiya. ito ung unang romance movie na iniyakan ko. tatawa tawa pa nga ako nung start kasi kamuka nung lead guy ung prom date ko saka umiiyak sina mari at fatima. iyakin ako pero pagdating sa mga ganitong movies, di talaga ako naiiyak. kinikilig pero di ako naiiyak. nandidiri at nakokornihan pa nga ako e. favorite movie material ang 'the ntbk'. nagandahan talaga ako sa story. sobra. naiiyak ako sa persistent love nung guy at everything. nung una, pigil na pigil pag-iyak ko pero di ko na talaga kaya. naggising tuloy si joji sa kakasinghot ko tapos walang hiya, pinagtatawanan nya ko! itsura nya.. mas senti pa sya sa kin e. kung gising siguro sya at nanood ng movie, malamang humagulgol na rin un at tutulu-tuluan ng uhog the next day. rar. ito talaga ung nag-iisang movie na gumanito sa kin. walang hiya. tapos naisip ko, kung tong imperfect Noah na to e ganito katindi ma-inlove, ano pa kaya ung perfect na God na binigay sa tin ung gift na matutong magmahal? except lang for the PMS and such, hands down, wow.
so.. basically yan ung mga nangyari dun sa sleepover party ni nico. pramis.. masayang year ender to. even for a while, naichapwera ko ung feeling na bababa ung grades ko, p6 req't na dapat kong paghirapan, nakakadismayang perio sa bio, at pagkakalat ko sa quarter 4... to think na ito ung grade na ipapasa ko sa university application. naichapwera rin ung hard feelings ko against people who love judging me. ung mga taong F na F na kilala nila ako e ni hindi nga nila nakakausap. ung mga naartehan sa kin, nababaklaan and all that. ang totoo nyan, wala naman akong pake. i've been trying to please people all my life- i've been trying to please my parents with my grades and the rest with what they think i should be. hahaha. itsura nyo... pagod na ko. fine. masakit isipin na naiinis sa yo ang mga tao kahit wala ka naman talagang ginagawa na umaapak sa pagkatao nila. ni hindi mo nga sila pinakekealaman pero kung ijudge ka, sobra. naiinis lang sila sa ugali mo. pinipilit kong wag magjudge dahil una sa lahat, ayaw un ni God at malamang, masakit ang majudge. honestly, wala akong kinaiinisan. kahit ung mga mismong mahal na mahal akong kilatisin, di pa rin ako naiinis sa kanila kasi mas nagpprevail ung mga good things na alam ko about them. mahirap lang siguro akong intindihin. pero alam mo un.. kagabi.. the people i was with.. most of them are the ones who have the right to judge me. they know better. they're the ones i really thank God for.