Monday, March 20, 2006
Bano. Na, sori talaga kung ang bano nung naggawa kong scrapbook for math. Hindi to fishing or anything. Bano naman talaga e. Sabi nga ng isa sa inyo, binaboy ni shayne ung scrapbook. Takte. Sori. Di ko sinadya. Pramis. Sori talaga.
Walang profiles- oo nga naman. Kulang na kulang sa info. Yung mga pa-eklat ko pang games binase ko lang sa pagkakakilala ko sa inyo- oo nga naman. Ano bang karapatan kong iclassify ang bawat tao sa section natin? Kung na-offend ka man or feeling mo understatement ung mga bagay about you na nilagay ko dun or me hindi ako nilagay na gusto mong ilagay ko or masyado akong maraming nilagay kaya feeling mo natrip ka or nakakabadshot ung mga kalokohan ko dun, sori talaga. I didn’t mean to. Kung pde ko lang ulitin ung scrapbook, swear.. inulit ko na. Nagsayang lang talaga ako ng oras, papel, glue at pictures. In short, binaboy ko nga ung una at huling bagay na ibibigay natin ke sir nat- oo nga naman. Again, hindi to fishing or anything. Not even a nagdadramang post na paawa ang effect. Itsura nyo ha. Ito na nga lang ung magagawa ko for sodium, sumablay pa. Kaya eto… isang malupet na sori at di na mauulit po.
***
Joji. Hay. Babay. Nasa singapore na sya. Namimiss ko na tuloy ung brujang un. Kung tutuusin, ang swerte ko sa bespren. Bihira kang makakita ng kaibigan na kapareho mo in most ways na nakakasundo mo sa mga bagay-bagay na God-fearing na di man anjan parati, nandun naman sya. Nangffrontstab pa! Ayos na un d b? kesa backstabbing. Si joji ang isa sa mga pinakamatinding mang-alaska at mamahiya sa kin. Loka. Pero just the same, I really thank God for her. Sa kanya ko nacoconfess ung little vanities and envies and stupidities and a little bit of everything in my life… oh yes… everything. Sa tingin ko, importante na me ganun ka sa buhay mo. Kelangan mong maging SUPER transparent sa at least isang tao. In my case, that person happens to be JOJI. Love you, brujang chakang bakla ka! Don’t you dare forget your promise. And where the HAIR is my promise?? Akala ko ba u’ll think of a good one by today? Fine. parati naman akong last priority e.. sa bagay, like me kwenta tong part ng entry ko na to. Bet- di nagbabasa ng blog ko si joji. Isang milyon ipupusta ko. [wooshoo.. eto ung nagdadramang paawa effect.]
***
Kahit gano ka-joketime ng pagkakasulat ko. seryoso toh. Epal sya eh.
Kung me load ka, itext mo tong number na to 09216159038 ng ganito:
peste ka sa lipunang ito. Mahuhuli ka na. [smiley of ur choice] Or salot ka sa lipunang ito. Nakakahiya ka talaga.[smiley of ur choice]
pag me nagreply sa inyo, yan ung snatcher ng fone ko. mahal na mahal ko sya. Feeling ko kc wala nang nagtetext sa kanya kaya para me magawa sya sa buhay other than snatching, itext nyo sya. Kung sinabihan nya kayo na ipapablock nya ung sim mo with matching malulutong na mura, tawanan nyo sya. Hello?? Alam ba nya serial number ng sim mo? Tangangertz talaga si love. Pagpasensyahan. natry ko na sya. ubod ng saya. Pag ginawa mo to, sabihin mo sa kin. Mamahalin na rin kita gaya ng pagmamahal ko sa lahat ng mga dakilang snatchers ng cellphone. Seryoso ako.
Last Updated @
10:59 PM
Y