<body>

There are many ways in which God works in our lives, but it is the same God who does the work in and through all of us who are His.Y
--1 Corinthians 12:6



When peace like a river attendeth my way


Shayne Fajutagana

stands on Jordan's stormy banks
hoops hula
eats food
a sisterloo of the traveling headband.



When sorrow like sea billows roll


adelle [dc]
aj
aliza
anapat
andrew
kuya andro
andy
anj
anne
atom
benlo
ate borj
cecile
charmy
clarisse
crizelle
dani
dane
kuya dom
enzo
ate faith
fatima
garrick
gihan
hannah
hiyas
homer
honey
ia
irish
jaja
jaki
jami
jane
jan mikes
jao
jerico
joannaC
joji
jovi
kaira
kamae
karllo
krisha
krishna
lou
ate lorah
luigi
malcolm
mara
mari
marianne o8
marie
mark jason
masie
michB
nico
ate nika
ate ninna
patrick
paul
peach
pito
ray2
reynard
revee
rob
ate rovy
ryan
tiffany
tim
vince
yael


worship is service.

Whatever my lot You have taught me to say


December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
September 2007



IT IS WELL WITH MY SOUL





orange chupachupsss

tenkyu DA for the picture and mr. samuel stennett for the lyrics :)



Thursday, March 30, 2006

Isang araw, wala akong maggawa.

*importante yan ke shayne..
*beste kita kahit di yun ang tingin mo sa kin.
*I feel for you.
*mamimiss ko yung kakulitan mo.
*I miss your girly stories na.
*tingnan mo, love na love kita tapos sasabihin mong inaaway kita?
*ate, sori ha.
*pagpepray kita, lagi naman e.
*masaya ako na binigay ka ni papa Lord sa buhay ko.
*wala lang.. gusto lang kitang makausap
*grades lang yan. tulog ka na.
*gud nyt shayne.
*ate, pumasok ka bukas. Baka yun na yung last day ko sa pisay.
*live life. Die death. Put meaning in between.
*sana marami ka pang ma-inspire.
*seryoso ka pala kay God.
*mama, alam mo, kagabi, nakayakap ka sa kin kaya lang.. putek.. di ako makahinga.
*only then did I know that you are a true friend.. I need you. Help me, shayne.
*sana kapatid na lang kita.
*Lord, we’re stuck.
*kanina, pumunta ako sa mall. Nakita ko si spongebob. Ikaw agad naalala ko.
*okay lang ba kung maging taklesa ako?
*bakit mo kinikilala sarili mo? E kung si God ang kinikilala mo, makikilala mo na rin kung sino ka.
*you are a lot. I’m telling you.
*nabasa ko ulit palanca mo kagabi. Di ka lang pala friend..
*alam mo ba na parati syang nandyan para saluhin ka?
*gusto mo bang kumuha pa ako ng rice para may kasabay ka?
*kakapray ko lang. Pinagpray ko na sana tumaba na tayong dalawa.
*hello tita shayne.
*nakakainngit naman. bakit si shayne di na ganyan?
*wag mo silang pakinggan. ako lang ang may karapatang manlait sa yo. Ikaw na rin nagsabi nyan.
*marami akong natutunan sa yo.
*yung anak ko, pinangalan ko sa yo.
*natouch ako sa prayer mo. Sobra.
*shayne, ok ka lang? Sila kasi e.. di marunong mag-appreciate.
*proud ako sa yo. Ikaw lang naman ang di proud sa kin e.
*congrats to the present katoks. Binubuhay nyo ang apoy. Saludo ako sa dedication nyo.
*shaynee, don’t cry na. Eat ice cream na lang.
*sori.. sa pang-iinis, lalo na pag chem. Gusto mo ilibre kita?
*ang love ay parang scotch tape.
*touched naman ako na ako yung most supportive friend. You don’t know how much it means to me rin.
*naaalala mo ba nung nag-away tayo dahil ke heart evangelista?
*nung huling camp, negneg ka rin naman e. hehe..
*[sinasamahan mo ba ako?] oo.
*[best prom advice] next year, si #6. last dance mo si #1.. happy naman ako na updated ako parati sa life mo.
*Syempre, saulo ko pa rin number mo! Punta ako jan, ok lang?
*ate shayne, sayang. Di natuloy ung paglalayas natin.
*hoy, babae, mag-usap tayo!
*kajooooot!
*itsura mo.. F na F.. hahaha.. akin na lang yan. trade tayo: prom pic mo, grad pic ko.



Di yan ung exact words kasi binase ko ang lahat ng yan entirely sa pagkakaalala ko- - para mas personal. Kung ano ung naging dating sa kin nung sinabi mo, ganun ko sinulat. Walang specific order like most touching to least touching or most recent to most gurang. Saka partial list lang yan. marami pa at sana di na magstop ever.

Siguro nga di mo na matandaan na sinabi mo sa kin un. Di na importante un. Napasaya mo pa rin naman ako e, maalala mo man o hindi. :)

I just want to remind myself of the many things I should thank God for. Kung ako kasi si God, maririndi na ako sa complaints ko, plus the complaints of Filipinos who are anti-gloria, anti-erap, anti-uncle, whatever. kahit sino namang presidente, ayaw nila. ang laki talaga ng problema sa buhay. Why should I mope over things when there is enough reason for me to love life? it’s like a doughnut na di mo kakainin por que me butas. Pero kung kinain mo un, nabusog ka pa. Gawin ba namang big deal ung butas. Harhar. Ung papel kung san originally nakasulat ung list above, nasa pitaka ko. para kahit la na kong pera, feeling rich pa rin ako. grabe. ang yaman ko, friends!

Kung parating ganito, sana araw-araw akong walang maggawa.


Last Updated @ 7:29 PM

Y



Saturday, March 25, 2006

KUNG ME ENTRY AKO NA GUSTO KONG MABASA NG LAHAT, ITO NA SIGURO YUN.

Nahihirapan akong itype lahat ng mga pumapasok ngayon sa utak ko [plus the fact that I am a crappy writer], pero here goes..

Ang daming nangyari. Let me mention a few..

Nanalo si manny pacquiao.

After 13 days, stampede.

After 13 more days, mudslide.

After 13 more days, umamin si rustom na bakla sya. Wow.

Pisay- ate gelyn, drug test, unwanted preg, rape, maraming mawawala sa batch namin. What the hell..

Before nung Jesus Revolution sa Pisay, dinalaw ung ACTS ng 2 Jrev staff [pastor ziggy and someone na tawagin nating ate yeng kahit di un ung name nya. Laleng. Miss ko na kc si ate yeng]. Nagmeet kami over the things we should pray for. We decided to do a prayer walk by group and I was assigned to the grp of ate yeng. So habang naglalakad at nagdadasal kami around the oval, me mga certain things na mejo nagbother sa kin, especially ung mga bagay na pinagdasal ni ate yeng-

“Lord, I pray for the students in pisay, that they may resist the temptation of PMS, drugs, alcohol. Be the Lord over the lives of the students who desperately need You right now. Break them free from these things that are keeping them from You. EXPOSE everything You have to EXPOSE.” [hindi yan ung exact words, pero mejo ganyan. di ko matanggal sa isip ko kc nakakabother.]

Mejo na-‘ano??’ ako dun a. hello? Pisay students, PMS, drugs, alcohol, blahblah?? Anong konek? Nung time kasi na un, hindi ko alam na nag-eexist ung mga ganyan sa school ko. siguro sa ibang schools, oo pero not in this school. Ibahin nyo ang pisay. Sa tatlong taon ko sa school na un, never akong nakarinig ng kahit anong ganyan, ni chismis, wala. Pero mejo napaisip ako.. what if nanjan na sila all the while, di lang alam ng nakararami? Hindi. Malabong ganun. swear.

True enough, matagal na yang mga yan sa pisay. After all, hindi pala kami exception sa mga bagay na ganyan. parang ang sarap maiyak at magwala. Buti na lang pinagpray un ni ate yeng.

This school year, I am very glad to see a lot of people mature spiritually. Ung mga hindi ko nakikita before sa ACTS fellowships, mas active na sila kesa sa kin. Tapos, ung SCA, ang daming activities. Mismong mga best friends ko, spiritually high. Like joji. Mas stable ngayon ung faith nya and I really am so happy to see her that way. Pati si nico. Before, ung mga kinakanta nya puro christina aguilera or jasmine trias or black eyed peas, pero ngayong year, naririnig ko na syang kumanta ng christian songs at F na F nya. Sobra. Nakakataba ng puso. Me mga kakilala rin ako na halos icondemn ako noon for being a christian pero ngayon, they’re telling me na may relationship na sila with God. Halos mag-give up na ako noon sa pagsheshare sa kanila.. actually, nag-give up na nga ako.. haha. Pero at least d b, it’s good to hear that they’re trying to be close to God na. Si ray2 din, naging mas vocal sa faith. Samahan mo pa ng retreat. In short, tong year na to ay year ng spiritual growth for most people, from my viewpoint. Mismong sarili ko, makakapag-testify about that.

Nung jrev, me mga challenges na binigay si God and it’s all up to us to respond. Sobrang naconvict talaga ako e. naguilty na rin at the same time kc parang ang dami kong shortcomings as His daughter. Aminado naman ako dun. Aminado rin naman ako na dumating ako sa isang point sa buhay ko na I really feel so distant from God. Feeling ko nga up to now, di ako karapat-dapat tawaging CHRISTian. Parang nabibigyan ko lang ng bad name si God by using His. Feeling ko kc pag nakikita ako ng mga tao, nakikita nila si shayne- si shayne na bakla, na maharot at makulet, na bangag, na loka-loka. Di nila nakikita si Jesus- kilala mo ako kaya aminin mo. So sad.. Sobrang incomplete ako then. may sort of emptiness. Basta, gets mo na ung drama. Tapos, hindi ko na talaga kaya. feeling ko jinujudge na ko ng buong mundo at hindi ko pa kilala sarili ko. pero kahit psycho ako, anjan pa rin si God. Ano naman kung mainis sa kin ang buong pilipinas? Kahit ano naman talagang gawin ko, me maiinis at maiinis pa rin sa kin, buti na lang pag dating ng judgement day, si God ang magjjudge at hindi sila.

After ng jrev.. eto na. Stampede. Tapos, sunud-sunod na. Narealize ko na kung para san ung spiritual growth that God blessed us with earlier this school year. Para pala un sa mga bad happenings ahead. He wants to prepare everyone. Sabi nga ni kuya pito, nung nag-jrev kami, we openly announced a war with the devil. Sa pisay field pa namin ginawa.. symbolic. Parang battle field. Tapos all year long, people are growing spiritually. Syempre, ung kaaway, di magpapatalo. Magreretaliate sya malamang. Kaya nangyari ung mga bagay na un. Everything does happen for a reason.

Whether we like it or not, we’re part of a spiritual war. Walang neutral dito e. are you against or with God? Two choices.


Pili na.


Last Updated @ 8:24 PM

Y



Monday, March 20, 2006

Bano. Na, sori talaga kung ang bano nung naggawa kong scrapbook for math. Hindi to fishing or anything. Bano naman talaga e. Sabi nga ng isa sa inyo, binaboy ni shayne ung scrapbook. Takte. Sori. Di ko sinadya. Pramis. Sori talaga.

Walang profiles- oo nga naman. Kulang na kulang sa info. Yung mga pa-eklat ko pang games binase ko lang sa pagkakakilala ko sa inyo- oo nga naman. Ano bang karapatan kong iclassify ang bawat tao sa section natin? Kung na-offend ka man or feeling mo understatement ung mga bagay about you na nilagay ko dun or me hindi ako nilagay na gusto mong ilagay ko or masyado akong maraming nilagay kaya feeling mo natrip ka or nakakabadshot ung mga kalokohan ko dun, sori talaga. I didn’t mean to. Kung pde ko lang ulitin ung scrapbook, swear.. inulit ko na. Nagsayang lang talaga ako ng oras, papel, glue at pictures. In short, binaboy ko nga ung una at huling bagay na ibibigay natin ke sir nat- oo nga naman. Again, hindi to fishing or anything. Not even a nagdadramang post na paawa ang effect. Itsura nyo ha. Ito na nga lang ung magagawa ko for sodium, sumablay pa. Kaya eto… isang malupet na sori at di na mauulit po.

***

Joji. Hay. Babay. Nasa singapore na sya. Namimiss ko na tuloy ung brujang un. Kung tutuusin, ang swerte ko sa bespren. Bihira kang makakita ng kaibigan na kapareho mo in most ways na nakakasundo mo sa mga bagay-bagay na God-fearing na di man anjan parati, nandun naman sya. Nangffrontstab pa! Ayos na un d b? kesa backstabbing. Si joji ang isa sa mga pinakamatinding mang-alaska at mamahiya sa kin. Loka. Pero just the same, I really thank God for her. Sa kanya ko nacoconfess ung little vanities and envies and stupidities and a little bit of everything in my life… oh yes… everything. Sa tingin ko, importante na me ganun ka sa buhay mo. Kelangan mong maging SUPER transparent sa at least isang tao. In my case, that person happens to be JOJI. Love you, brujang chakang bakla ka! Don’t you dare forget your promise. And where the HAIR is my promise?? Akala ko ba u’ll think of a good one by today? Fine. parati naman akong last priority e.. sa bagay, like me kwenta tong part ng entry ko na to. Bet- di nagbabasa ng blog ko si joji. Isang milyon ipupusta ko. [wooshoo.. eto ung nagdadramang paawa effect.]

***

Kahit gano ka-joketime ng pagkakasulat ko. seryoso toh. Epal sya eh.

Kung me load ka, itext mo tong number na to 09216159038 ng ganito:


peste ka sa lipunang ito. Mahuhuli ka na. [smiley of ur choice] Or salot ka sa lipunang ito. Nakakahiya ka talaga.[smiley of ur choice]

pag me nagreply sa inyo, yan ung snatcher ng fone ko. mahal na mahal ko sya. Feeling ko kc wala nang nagtetext sa kanya kaya para me magawa sya sa buhay other than snatching, itext nyo sya. Kung sinabihan nya kayo na ipapablock nya ung sim mo with matching malulutong na mura, tawanan nyo sya. Hello?? Alam ba nya serial number ng sim mo? Tangangertz talaga si love. Pagpasensyahan. natry ko na sya. ubod ng saya. Pag ginawa mo to, sabihin mo sa kin. Mamahalin na rin kita gaya ng pagmamahal ko sa lahat ng mga dakilang snatchers ng cellphone. Seryoso ako.



Last Updated @ 10:59 PM

Y



Saturday, March 11, 2006

Shayne, i'm so happy.

Last night, nasa bahay kami ni nico to celebrate his birthday. Sobrang enjoy. Firstly, dahil alam kong masaya si beste. Alam mo yun.. syempre d b.. more than anyone, sya ung dapat maging masaya. That's what I really wanted to hear from him. Di lang nya alam pero sobrang sumaya rin ako nung narinig ko yun. marami pa kong gustong sabihin kaso, between the two of us lang un ni nico. shayne, shut up na.

Kumain. Before naming pumunta sa dorm nina nico, andun kamit sa gateway. Naglunch kami ni joji dun sa oody's kc sabi ni kuya pito ke joji, favorite daw nya un. Saka nung nakita kong thai food ung sineserve dun, tnry namin ni joji kasi wala akong idea kung anong meron sa thai food. Bakit ko sinasabi toh? Kasi nagsisi ako. sana KFC na lang or something else. Naweirduhan kasi ako e. from the soup to the really weird pansitlike food. Ngarx. Pati nga ung pandan juice di ko type. [yuck.. naninira.] just a while ago, like 15 minutes ago, kachat ko si kuya pito. sabi ko na di masarap sa oody's. and he was like.."anong oody's? favorite ko un?" tapos un pala, hindi oody's ung sinabi ni kuya pito ke joji. it was BODHI. oh well.. at least alam ko nang ayoko sa thai food.

Nagpapicture. Sa wakas me studio pic na rin akong bago. Ito nga ata ung pinakauna kong studio pic with my pisay friends.. ang bangag! Langhiya. F na F namin ung studio. Isa to sa mga mamimiss ko.. sana ganito na lang each and every time. Kaso hindi e.. me mga sarisarili kaming buhay at sa mga sarisariling buhay namin, hindi namin kasama ang isa't isa. Saka ayos na ring hindi toh nangyayari very often kasi meron akong nalulook forward to. [whew.. drama]

Nag-arcade. Nung una, F na F kong di ako mag-eenjoy. Nag-aarcade kami dati ni vince pero hindi TALAGA ako nag-eenjoy. Amazingly, sobrang nag-enjoy ako [game: bilangin ang word na 'enjoy' sa previous sentences]. Nung nasa space hockey kami ni joji, merong lalaking tumabi sa kin tapos, nilagay nya ung kamay nya sa shoulder ko. at malamang, i was like, "huh? me gustong makipagsapakan sa kin?" sabi nung guy, "ang galing ni langga." lannga?? who the hair? me, langga? tiningnan ko sya. TITO MON?? tito ko pala. kapilingan ko talaga. haha..*tnry namin ni joji ung dance rev. OMG. TDF. FYI. we suck big time. haha.

Tumambay. Nung andun naman ako sa fully booked, winiwish ko na marami akong pera para makabili ako ng books. Andami kcng interesting stuff dun e.. like ung diary na tinadtad ng mga paris hilton pix. Bwahaha. Itsura nya ha.. pero in fairness, nakakaenchant ung ganda nya.

*note: spoiler ahead..*

HOUSE OF WAX. Unang movie na pinanood namin sa dorm nina nico. Ang galing ng pagkakadirect. Paris was there. And she died. Natatawa nga ako e kc parang hindi ko ma-imagine kung anong ginawa nila para mapagawa un ke paris. Funny nga e kc ang lamya nyang kumilos. Parang hindi ko nafeel na ayaw nyang mamatay at mabuhusan ng sandamamakmak na wax. nakakatawa na ung heiress na tinitingnan-tingnan namin ni joji dun sa fully booked e napilit gumawa ng something like what i saw in the movie. but besides that, ugh. freaky! imagine this: gugupitin ung ankle mo. kakaladkarin ka. gugupitin na rin ung damit mo. me iinject sa yo para maparalyze ka. sana anesthesia na rin kasi in the next couple of minutes, bubuksan ung chest mo for no apparent reason. tatahiin ka. pati na ung bibig mo. nagpawax ka na ng legs? ganun gagawin sa yo.. sa mukha nga lang. tapos ilalagay ka sa apparatus na magbubuhos sa yo ng wax all over maliban sa mga mata mo. *charan* isa ka nang instant wax statue with moving eyes. nota bene: walang anesthesia. buhay na buhay ka pa. FREKI! sa bagay, un naman ung gusto nung director na sabihin ko. so i say it again, KUNG TRIP MONG SUMIGAW-SIGAW AT MAGPAKALOKA.. wala lang.

Nagvideoke. right after dinner, nagwala kami sa top floor ng dorm nina nico. ito na ang ultimate F na F. since mataas ang talent fee ko, di ako kumanta nung una. umakyat kami dun sa pinakataas ng bahay. kami nina charmy&joji [game ulet: pag nahulaan mo kung anong common sa ming tatlo, mananalo ka ng iPod. txt ur answer to240 for globe, smart, tnt & adiks]. ang sarap nila kasama. andami naming napag-usapan. naalala ko tuloy ung days na magkasama kami nung mga pinsan ko. masarap malaman na napapasaya ka ng isang experience sa dalawang occasions: nung moment na naffeel mo un at ung moment na kinukwento mo sya sa mga taong nagpapaganda ng buhay mo. kaya, i hate reliving memories because it's a lot better to reminisce.*after a while, kumanta na rin kami at F na F talaga namin. akala ko di ako mag-eenjoy. once more, i proved myself wrong. ang dami palang mga bagay sa mundo na akala ko di masayang gawin pero hindi naman pala. i thank my friends for me making me realize that. GUYS, YOU MAKE ME WANNA BE A POP STAR AND KICK SARAH GERONIMO OFF HER SHOW. i love u all!

Bring it on.. again. 2nd movie. napanood ko na sya before pero trip kong panoorin ulet. moral lessons: don't act as if you're a bomb diggity. the hell.. you're not. are u trying to be ridic? the hell, you're not again. OMG. TDF. FYI. campus DJ's are way below the ladder.*ayan. a whole new dictionary. at kahit nasasamaan ako sa mga pinagsasabi at pinaggagagawa nila, nainspire nya ako. haha. namiss ko tuloy ung cheerleading days namin.

Nagbrown out. so sabi nila... "ghost stories!" joji-charmy-shayne: are you guys trying to be ridic? what the hair? ghost stories suckkk!*di kami ganyan magsalita. nag-iingay lang kami para di namin marinig ung mga kwentong nagsasabing ang school sa santa fe ay dating sementeryo. pati ang school sa hinulugang taktak. lahat na lang e. dumating ata ung point sa history natin na pinautos ng friars na ipaconvert lahat ng sementeryo into schools para me mapag-usapang maganda ang mga estudyanteng nagssleepover.

Natulog. di ako nakaligo. bwahaha.

Naggising. kasi ba naman, pinagtatawanan ako nina joji at charmy. "ang panget ni shayne matulog. hahaha.. ay naggising. hahaha." sige, magandang alternative yan for alarm clock. manlait ng natutulog.

THE NOTEBOOK. walang hiya. ito ung unang romance movie na iniyakan ko. tatawa tawa pa nga ako nung start kasi kamuka nung lead guy ung prom date ko saka umiiyak sina mari at fatima. iyakin ako pero pagdating sa mga ganitong movies, di talaga ako naiiyak. kinikilig pero di ako naiiyak. nandidiri at nakokornihan pa nga ako e. favorite movie material ang 'the ntbk'. nagandahan talaga ako sa story. sobra. naiiyak ako sa persistent love nung guy at everything. nung una, pigil na pigil pag-iyak ko pero di ko na talaga kaya. naggising tuloy si joji sa kakasinghot ko tapos walang hiya, pinagtatawanan nya ko! itsura nya.. mas senti pa sya sa kin e. kung gising siguro sya at nanood ng movie, malamang humagulgol na rin un at tutulu-tuluan ng uhog the next day. rar. ito talaga ung nag-iisang movie na gumanito sa kin. walang hiya. tapos naisip ko, kung tong imperfect Noah na to e ganito katindi ma-inlove, ano pa kaya ung perfect na God na binigay sa tin ung gift na matutong magmahal? except lang for the PMS and such, hands down, wow.

so.. basically yan ung mga nangyari dun sa sleepover party ni nico. pramis.. masayang year ender to. even for a while, naichapwera ko ung feeling na bababa ung grades ko, p6 req't na dapat kong paghirapan, nakakadismayang perio sa bio, at pagkakalat ko sa quarter 4... to think na ito ung grade na ipapasa ko sa university application. naichapwera rin ung hard feelings ko against people who love judging me. ung mga taong F na F na kilala nila ako e ni hindi nga nila nakakausap. ung mga naartehan sa kin, nababaklaan and all that. ang totoo nyan, wala naman akong pake. i've been trying to please people all my life- i've been trying to please my parents with my grades and the rest with what they think i should be. hahaha. itsura nyo... pagod na ko. fine. masakit isipin na naiinis sa yo ang mga tao kahit wala ka naman talagang ginagawa na umaapak sa pagkatao nila. ni hindi mo nga sila pinakekealaman pero kung ijudge ka, sobra. naiinis lang sila sa ugali mo. pinipilit kong wag magjudge dahil una sa lahat, ayaw un ni God at malamang, masakit ang majudge. honestly, wala akong kinaiinisan. kahit ung mga mismong mahal na mahal akong kilatisin, di pa rin ako naiinis sa kanila kasi mas nagpprevail ung mga good things na alam ko about them. mahirap lang siguro akong intindihin. pero alam mo un.. kagabi.. the people i was with.. most of them are the ones who have the right to judge me. they know better. they're the ones i really thank God for.


Last Updated @ 9:05 PM

Y



Saturday, March 04, 2006

GENESIS "REVEE" RAPALLO,
ang nilalang na madalas hingan ng explanation kung bakit "revee" ang nickname nya.
ang partner ko sa mini-plays.
ang official okrayero ng buhay ko.
ang aking original prom date.
ang pinakamagaling na janggayero.
ang natatanging sagala na o7.
isang beloved kabarkada.
fellow katok[tutok].
isa sa mga pinakamaprinsipyong tao na kilala ko.
ang megakadaldalan ni shayne pag physics.
ang nangbbully sa kin pag chem.
adviser ko with regards to crushes.
ang source ng kachismisan sa balat ng lupa.
ang fan ni chona chikadora.
ang lalaking galit sa emo at pop at orange.
ang me karapatang mang-away sa araw na to [march4].

HAPPY BIRTHDAY. GOD BLESS. I LOVE YOU,

MR. TUMNUS. PERO MAS LOVE KO SI REVRAPZ.

***
ray2, sorry talaga. grabe. ayoko na. naiiyak na ako. sobra. di pa ko ready na magsulat ng entry about it. nahihiya rin ako e. ray2, sobra. sorry na talaga. ang tanga tanga tanga at tanga ko kasi e. bruha. walang hiya, nagworry talaga ako. as in, maximum panic mode. yak! ayoko nang ikwento. naiiyak lang ako e. basta ray2, kung kelangan mo pa ng help for engjourn, i'm right here. sa bahay. ok?
***
im extending my sorry to the following people:
1. mam hipol - mam, omg. how can we ever get through it without you? ang dami na po naming pang-aabala sa inyo. nakakahiya.
2. ben- nadamay ka pa.. ako na bahala sa expenses. mayaman ako! bakit ayaw mong maniwala?
3. tito caloy- ang tagal nyo pong naghintay. omg. ang patient nyo po. T_T
4. people who were there to perform str- gosh. nadelay pa ung work nyo. ayoko na. sumpain nyo na ko.
5. others- hi.
***
birthdays!
CHE [tomorrow]. NICO [tues]. my bestest best buds will be celebrating their birthdays. greet them ha. ang di bumati, di bumati. epal kayo. :P hehe..
ang saya ng march. bday month ng mga taong lovelove ko. another hapi thing pa, lilipat daw sina nico sa antipolo next yr! wow. this means sleepovers, parties [swimming parties in particular, me pool sila e], gimik and a lot more i look forward to. grabe. excited na ako, nico. wah.
***
me serious entry ako na ippost some time later. i want it long and sensible. it's about spritual warfare and what God's doing in our school. ang dami Nyang sinabi sa kin this week. sa sobrang dami, me separate entry ako for it.
***
anak ng mother. perio na. kung taga-pisay ka at hindi ka senior, ano ba?? bakit ka nagbabasa ng blog ko? sa tingin mo, magandang d mag-aral? neknek mo. aral na. [ikaw: neknek mo rin! sa tingin mo, magandang d mag-aral? bakit ka nagbblog?? aral na. anak naman ng mother.]
kung hindi ka naman taga-pisay, bumili ka ng ice cream. ipakain mo sa pusa.


Last Updated @ 3:37 PM

Y