siguro nakatanggap ka na nung text message na nagsasabing me walang magawa [na me AIDS] na naghahalo ng dugo nya sa ketchup ng restaurants, fast food at food stalls. wala akong nareceive na ganun pero nalaman ko kc every time na me gustong maglagay ng ketchup sa hotdog, me magsasabing "hoy, gusto mo bang magkaAIDS?" (sabay labas ng cellphone. messages. inbox. [pangalan ng nanay nya]. message tungkol dun sa ketchup)
alryt. me bago na namang urban legend. magaling.
ang transfer ng AIDS ay blood to blood. meaning, mamatay lang ang blood cells dun sa ketchup unless magmutate sila at magsilbing nutrient agar ung ketchup (pde 'tong pangSTR, Feasibility of banana ketchup as culture medium). pero kahit na... sabi nga ni kuya pito, pano kung me singaw ka pala? e d nagkaron ka ng hinayupak na AIDS nang wala sa oras. saka hindi ba kadiring isipin na me patay na blood cells sa ketchup mo? kung kadiring isipin, mas kadiring kainin.
***
mga isang linngo na lang, perio na.
mga tatlong buwan na lang, senior na ako.
mga isang taon na lang, college na ako.
mga kalahating dekada na lang, cum laude na ako. [ikaw: angas ng lahi. ang galing magfeeling; ako: salamat. fishing ka ha.]
mga isang dekada pa, ewan ko na.
***
nakakabobo na toh. ano ba talagang nangyayari sa bansa natin? hindi ko yan tinatanong dahil nadedepress ako [although nalulungkot nga ako dahil feeling ko ang gulo na ng pilipinas]. tanong ko yan kasi wala talaga akong alam. as in TANGA AT IGNORANTE. d ko kasi alam kung bakit me state of emergency at kung me coup ba talaga o wala. at kung me coup, anong problema nila? umuwi na lang kaya sila at magbalat ng lansones. masarap naman ang lansones, db?
pagka-off ko ng computer. maghahanap kagad ako ng dyaryo.
***
alam mo ba na mahilig akong mag-aral? sobra. hobby ko un! oh yeah. i love earning pimples if it means staying up all night for a long test the next day. di ako tinatamad gumawa ng physics requirement at lalong hindi ako inaantok sa chem. eto pa... hindi ako ngccram. hindi rin nangongopya ng hw ng iba. sobrang hindi.
kung sana kung gano ako kagaling magsunungaling, ganun din ako kasipag.. siguro, malayo mararating ko.
[pag me nabasa ka about acads, iexpect mo na patapos na ang entry ko.]
alam mo ung kantang narda? ang cute noh? e ung nerda? mas maganda un.
[ayan.. sabi sa yo e.. tapos na.]