<body>

There are many ways in which God works in our lives, but it is the same God who does the work in and through all of us who are His.Y
--1 Corinthians 12:6



When peace like a river attendeth my way


Shayne Fajutagana

stands on Jordan's stormy banks
hoops hula
eats food
a sisterloo of the traveling headband.



When sorrow like sea billows roll


adelle [dc]
aj
aliza
anapat
andrew
kuya andro
andy
anj
anne
atom
benlo
ate borj
cecile
charmy
clarisse
crizelle
dani
dane
kuya dom
enzo
ate faith
fatima
garrick
gihan
hannah
hiyas
homer
honey
ia
irish
jaja
jaki
jami
jane
jan mikes
jao
jerico
joannaC
joji
jovi
kaira
kamae
karllo
krisha
krishna
lou
ate lorah
luigi
malcolm
mara
mari
marianne o8
marie
mark jason
masie
michB
nico
ate nika
ate ninna
patrick
paul
peach
pito
ray2
reynard
revee
rob
ate rovy
ryan
tiffany
tim
vince
yael


worship is service.

Whatever my lot You have taught me to say


December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
September 2007



IT IS WELL WITH MY SOUL





orange chupachupsss

tenkyu DA for the picture and mr. samuel stennett for the lyrics :)



Sunday, January 15, 2006

title: random things about my week.

FASTING
for the first time ever in my life, i fasted for seven straight days. kumakain pa rin naman ako syempre pero sobrang regulated and i tell you, mahirap sya lalo na kapag fair. daniel fast lang sya as in walang meat at sweets so gulay lang kinakain ko most of the time.

nung nalaman ng mga friends ko na nagffast ako, ang common reaction nila was like: what?? ang payat mo na a! takte, nagpapapayat ka pa? hindi ka ba exempted jan? ano na lang matitira sa yo? bakit?

pero a few like ray2&ben were really supportive and i thank God for them. sobra. di nila alam kung gano kalaking blessing sila sa kin for the past week.

sige, isa-isa kong sasagutin ang mga tanong ng mga tao.

what??*ang sabi ko nagffast ako. gusto mo pang ulitin ko?

ang payat mo na a!*e ano ngayon? hindi naman ako nagddiet e. nagffast ako. syempre di ko gustong pumayat pa ako lalo. alam ko namang kalansay na ako e. and thats the point. im doing something against my will. para san pa ang fasting kung di ako magssacrifice? fasting pa ba ang tawag mo dun?

takte, nagpapayat ka pa?*if that's what it takes to tell God how much i love Him, oo, nagpapapayat pa ako. mahirap gawin un dahil gusto kong tumaba. minsan nga, asar na asar na ako sa magazines na walang maisip na article kundi how to lose weight. pwede bang how to gain weight naman?

hindi ka ba exempted jan?*hindi naman pinilit ang mga ACTS members na magfast. nagulat na nga lang ung adviser namin na the next thing they know, nagffast na kami. sariling choice ko to. parati kong cnclaim na CHRISTian ako pero beyond that, me napatunayan na ba ako? ano ba ang kristiyano? di ba un ung kagaya ni Jesus, ung ginagawa ung ginagawa ni Jesus, di ba un un? oo un un. nagfast si Jesus for 40 days. biruin mo un. He denied Himself and as His follower, why can't i do the same? ang liit na bagay lang nun kung tutuusin.

ano na lang matitira sa yo?*hindi mo lang alam pero marami at nadagdagan pa nga e. nabawasan ako ng timbang pero i tell you, wala un sa joy na ibibigay sa yo ni God. dahil nadeny ako from my physical needs, bumawi spriritually. mas naging focused ako. nagutom din ako spiritually. as in, hinahanap-hanap ko ung word ni God. un ung tipo ng gutom na ayaw mo na ever na masatisfy. nagppray ako before pero iba kapag nagppray ka nang gutom. wag mo na akong tanungin, di ko sasagutin para itry mo rin.

bakit??*si pito nagsuggest sa min nun e. kasi pinagdarasal namin ung jrev concert. jrev as in JESUS REVOLUTION. self-explanatory. nadaanan na natin lahat ng revolution pero ito, iba. walang kasing iba. iba talaga. watch how God can change a nation.

siguro para sa yo madali lang ang pagkain ng gulay at pag-avoid ng meat at sweets for one whole week. ikaw yan, hindi ako. nahirapan ako dahil ako ung tipo na once in a while, maghahanap ng kakainin [sa fasting ko, bawal ung unnecessary na pagkain. kakain ka lang pag gutom ka]. hindi halata pero ganun ako. madali siguro ung daniel fast para sa mga nagpapayat at kung kilala mo ako, hindi ko kelangan nyan para pumayat. madali siguro yan sa mga vegetarian pero sensya na ha, hindi ako vegetarian. madali yan para sa inyo pero sa kin hindi kaya nga yan ung approach na pinili ko. dun ako sa mahirap para sa kin. ano pang point kung madadalian ako? actually, after a while, nakasanayan ko na ang pagkain ng gulay kaya binawasan ko na lang ung pagkain ko. more than once, umiyak ako. umiyak ako nung naiinggit ako sa mga kumakain ng sweets. gusto ko na rin kumain nun e. umiyak ako dahil naiinggit ako at di ko dapat maramdaman un. are u supposed to cry when ur doing something for God? umiyak ako nung gutom na gutom na ako dahil last night, wala akong nakaing matinong dinner. alam mo ung tig-sais na tinapay sa caf? un lang dinner ko kaya the next day, gutom na talaga ako. wala pa kong breakfast. tapos ung lunch ko na sushing mahal, nahulog pa. naiiyak na talaga ako. dumating ako sa point na naaawa na ako sa sarili ko. ang tanga noh? pero wala na akong magagawa, nakarating na ako don e. of all the things na di ko dapat mafeel, ung maawa sa sarili. di ba God alone is enough [ray2's motto]? totoo yan pero naintindihan ko rin naman ung sarili ko, natural lang un. tao ako e. pero despite that feeling, masaya ako. at least alam ko na nahihirapan nga ako. alam ko na me sinasacrifice ako. alam ko na fasting pa rin ung tawag sa ginagawa ko dahil iniiyakan ko sya. hindi naman ako umiiyak dahil ayaw ko na. umiiyak ako dahil nahihirapan ako. im not that strong but i am faithful and persistent enough. mas malakas ang faith ko kesa sa temptation ng fair o ng kaklase o ng stalls ng caf o ng kung sinu-sinong ginagamit ng demonyo. pero above all, malakas ang Diyos na pinaniniwalaan ko. i thank Him for each and everything.

YOU DONT KNOW HOW MUCH IT MEANT TO ME
e di natapon nga ung food ko. naiyak na talaga ako. ang mahal nun e tapos di rin naman ako mabubus0g pero alam mo un, natapon nga sya pero me pinalit naman si God. hindi ko alam pero naiiyak na talaga ako. ang babaw ko noh? pero ganun talaga. e naiiyak ako e. tapos umalis ung dalawa kong kasama habang umiiyak ako. pag balik nila, me dala silang vegetable salad. libre nila for me. alam mo, habang inaalala ko un, naiiyak ako. amazing talaga si God pag gumagamit ng mga tao para itouch ang buhay mo.

ray2, ben, sobrang laking gesture nong ginawa nyo. i love u both, pramis. i mean it. ray2, naalala mo nung ok lang sa yo na umalis ako nung cs dahil nagugutom na talaga ako? ikaw ung pinakasupportive among my friends. most of them, inaasar ako with their food pero ikaw, u will go like: wag nyo ngang ganyanin si shayne; gusto ko ring matuloy ung jrev; sige shayne, pagppray kita. sobrang natouch nyo ako at sana matouch ko rin ung ibang tao in the same way.

FIELD BIO
hahaha.. walang hiya si dofitas. anyway, as expected, negative ang response ng parents ko. it would have been a good experience though.

FAIR
iniwasan ko ang fair ground kasi mahirap na kapag natempt ako masyado..

SK
katoks, batoks, pseudotoks, CHAIN na sa monday[jan16]! malapit na magkaron ng bagong katoks.

JREV
Btw, naapprove ung jrev.

DOFITAS
kahit walang hiya ka sa kin forever, kahit madalas mo akong ipahiya, sorry sa pagsusungit ko sa yo. hindi ko alam kung bakit pero sa yo lang ako ganito. peace man!

JOJI
binigay ko sa kanya ung magazine-ish[jokles mag] na ginawa ko nung first yr na gift ko dapat sa kanya kaya lang naspoil ni pito. **maraming secrets dun kaya wag ka sanang manglalag gaya ng kagagawa mo lang. bruja ka! love u.:P

THE NERVE
di ko kayo napanood pero di na kelangan para malamang magaling kayo. wag mag-alala, nxt yr, sure win na kayo.

KOINE THEATER FOUNDATION
i really laugh you. haha.. as usual, nice plays. mabuhay ang teatro. at salamat sa cd! mwah.

MATH PROJ
amazingly, it was beautifully crammed. go knights of the logarithmic table!

ROCKIT CONCERT
di kita napanood kahit gusto ko! di ko kasi mapapagpalit ang family bonding sa konting oras na itatayo ko sa gym habang tinitilian si yael. narnia is not that bad anyway.

THE GIVER
moving but not as good as the alchemist and the little prince. pero maganda pa rin sya at nalungkot ako nung huli. *sigh*

YAKS, ANG DAMI PANG GAGAWIN. wah. _telon_


Last Updated @ 5:19 PM

Y